Maymay ‘amazing’ para kay Edward: She’s not a normal person

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TATLONG taon na raw sa showbiz si Edward Barbers simula nang siya’y makasama sa Pinoy Big Brother Teen. Ilan sa mga programang kanyang nasalihan ay ang Wansapanataym at Maalala Mo Kaya, kasama ang ka-love team niyang si Maymay Entrata.

MaymayEdward copy

This time, pansamantala munang humiwalay si Edward sa kanyang ka-love team para sa una niyang pelikulang First Love, kasama sina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Ang nasabing movie project ay itinuturing ni Edward na biggest break niya, dahil malaking oportunidad na makatrabaho sina Bea at Aga.

“All I can say about the movie is so far, I felt so comfortable not really because of my own skills but because of Direk Paul [Soriano], Kuya Aga and Ate Bea, the whole cast as well. I have nothing but gratitude for this movie,” bungad ni Edward sa presscon ng First Love last October 8 sa Dolphy Theater.

Dahil First Love ang pamagat ng pelikula, tinanong si Edward kung si Maymay ba ang kanyang first love.

“Next question please…” sabay tawa, maging ng mga press na naroroon.

Kaagad naman siyang nagpaliwanag: “My relationship with Maymay is something I cannot really compare to any other pair I have ever seen before. I can’t compare it to my parents. I can’t compare it to my friends and their girlfriends.”Pero pinalakpakan si Edward ng fans nila ni Maymay na dumalo sa presscon sa sumunod na sinabi niya: “Maymay is not really a normal person. That’s not a bad thing, that’s why she’s more amazing than most of the girls I know so it’s not a bad thing.

“That’s what makes her amazing. She’s one of the people I love the most in my life,” explain pa ni Edward.

-ADOR V. SALUTA