Basher ni Ogie, pinatulan ni Regine

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SI Regine Velasquez ang nagalit sa basher na nag-post sa Instagram ng asawang si Ogie Alcasid at sinabihan ang huli na walang career sa ABS-CBN, kaya kinaray sa Dos si Regine para magkaroon ng career.

regine at ogie

Sabi pa ng basher, gusto lang daw ni Ogie na makasama sa lahat ng projects ni Regine sa Kapamilya network, at walang choice ang Dos kundi isama si Ogie sa mga shows ni Regine.

Mabait si Ogie dahil “God bless you” lang ang isinagot niya sa basher, pero si Regine, galit na sinagot ang basher.

“Gusto ko lang malaman ano po ba ginawa ng asawa ko sa inyo? Bakit galit na galit kayo sa kanya? Hindi po ako ginagamit ng asawa ko at kung ginagamit man nya ako EH ANO NAMAN ANG PAKIALAM MO DUN!!!”

Halatang galit si Regine, dahil ang last part ng post ay in all capital letters. Pinayapa lang si Songbird ng kanyang followers at fans, at pinayuhang kumalma at sila na ang bahalang rumesbak sa basher. Hindi naman nakayanan ng basher ang resbak ng supporters nina Ogie at Regine at biglang naka-private na ang setting ng IG account nito.

Pati si Sharon Cuneta ay napa-comment at ipinagtanggol sina Ogie at Regine.

“@reginevalcasid At mas nakakatawa naman na mag-asawa kayo tapos ‘di kayo nagtutulungan. Mas pangit yata kung iba ang kailangan n’yo pang gamitin when you love and are there for each other! Nakakaloka at nakakasakit ng kalooban talaga ang ibang tao!

“Napakaraming nagmamahal sa inyo at kay Nate pati sa pamilya ni Michelle (van Eimeren) at sina Sarah at Leila. They can talk all they want pero hindi kayo mabubuwag!

“Besides bakit tayo alam natin lahat na isa na sa master sa paggawa ng kanta si Ogie kasunod na ng mga yapak nina (George) Canseco, Cruz, (Rey) Valera, (Ryan) Cayabyab, Ocampo, atbp? Institution na si Ogie sa industriya!

“Sorry pero tangengot na lang ‘di nakakaalam non! Jusko nagpalpitate ako! Napakataas ng respeto namin kay Ogie at sa ‘yo, Regine!! Mas marami ‘di hamak ang nagmamahal sa inyo! Ano na, Darna?? Na sa ‘yo pa costume mo? Eh, teka papagawa pa ‘ko ng bago. Text kita agad tapos sabay tayo sisigaw Darna! Tingnan ko lang! Hahaha! Love you so much! Yaan mo sila manggalaiti, tayo maganda mga buhay at maligaya. Lamna si GOD… masama gumanti para sa mga anak Niyang kasing buti n’yo!”

-NITZ MIRALLES