‘Red October’? Nais lamang ng mga tao na aksiyunan ng gobyerno ang presyo ng mga bilihin

Filed under Editoryal Balita RSS RSS Feed

NAGING usap-usapan ang “Red October” matapos na sabihin ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isa itong hakbang upang patalsikin si Pangulong Duterte sa pagitan ng darating na Oktubre 11 at Oktubre 17. Ito ay sinasabing plano ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nakikipagtulungan sa makakaliwang grupo, ayon sa isang opisyal ng AFP, at tila kinuha ng ilang political groups ang pagkakataon upang iugnay ng ilang opposition leaders sa umano’y planong pagpapatalsik sa Pangulo.

Taun-taon, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP at military arm nito, ang New People’s Army (NPA) sa paparating na Disyembre, inalerto ang AFP laban sa ilang pagsalakay na isasagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Noong nakaraang taon, nagkaroon ng pag-alerto noong Setyembre. Ngayong taon, taon tila naurong ito sa Oktubre, marahil dahil sa tumitinding problema sa ekonomiya ng bansa na sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang “Red October,” na halaw sa kilalang nobela na “Hunt for Red October,” ay tungkol sa Soviet submarine at mga crew na nagtagumpay sa pagtakas mula sa United States, sa kabila ng mga pagsisikap na matigil ito. Ilan sa ating mga pulitiko ang nag-isip na may kinalaman ang ilang senador dito. Ilan ang nagnanais na ‘wag magsagawa ng mga demonstrasyon laban sa tumataas na presyo ng bilihin sa pamamagitan ng pag-uugnay sa “Red October.”

Nitong nakaraang Martes, sa isinagawang Senate hearing para sa 2019 budget ng Department of National Defense, sinab ni AFP’s chief of staff, Gen. Carlito Galvez, Jr. na ang “Red October” ay destabilization plot ng CPP-NPA na may pagsisikap na mag-recruit ng mga tagasuporta mula sa iba’t ibang unibersidad at pag-atake ng NPA sa ilang bahagi ng bansa. Ngunit, sinabi niya kay Senador Antonio Trillanes IV at iba pang senador na walang CPP-NPA na nakikipag-ugnayan sa political opposition, na una nang sinabi ng ilang opisyal ng AFP.

Patunay na walang plano ang CPP-NPA na patalsikin si Pangulong Duterte; na wala itong plano na alisin ang buong sistema ng pamahalaan ng Pilipinas at bumuo ng sarili. Ito ang nais nitong makamit ilang dekada na ang nakalilipas. Ang ibang Komunista sa iba pang parte ng mundo, partikular na ang Russia at Eastern Europe, ay nagsikap sa pamamagitan ng militar. Inakala ng administrasyong Duterte na makukumbinse nito ang CPP-NPA na sumuko at makipagtulungan sa gobyerno, ngunit naudlot ang usapang pangkapayapaan.

Mayroong sama ng loob ang mga tao dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa panahon ng malaking bilang ng kawalan ng trabaho, ngunit hindi ito ang dahilan para patalsikin ang Pangulo. Nais lamang ng ilang epektibong aksiyon mula sa gobyerno upang matigil ang pagtaas ng resyo ng mga bilihin at maibalik sa dating presyo, upang mamuhay nang matiwasay.