Pinoy Jr. NBA All-Stars sa China

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

KABUUANG 16 Junior NBA All-Stars ang napili sa isinagawang Jr. NBA Philippines 2018 at bahagi ng kanilang premyo ang karapatan na makalaro ang mga batang players mula sa Vietnam, India, Thailand, Singapore at Indonesia sa NBA game sa Shanghai, China.

Itinataguyod ng Alaska, ang mga batang players – walong lalaki at walong babae – ang nanguna sa isinagawang Jr. NBA National Training Camp nitong Mayo bago sumailalim sa basketball clinic na pinangasiwaan nina NBA Legend Cherokee Parks at WNBA player Alana Beard.

Kabilang din si US Ambassador Sung Kim sa nagbigay ng suporta sa koponan.

Bukod sa city tours, makakapanood din ang grupo ng live game ng NBA preseason sa pagitan ng Philadelphia 76ers at Dallas Mavericks.

Nasa pangangalaga ang grupo nina coach Tata Belangel at Hazell Yambot.

Kabilang sa koponan sina Prince Ray Alao, Christian Joi Mesias, Nathan Jan Jundana, Kim Aaron Tamayo, Ethan Rod Alian, Seven Gagate, John Lester Amagan, at Manuel Luis Antonio Pablo;

Gin Kayla Huelar, Aishe Mae Solis, Amber Esquivel, Kyla Mataga, Pauline Angelique Valle, Jr.,