Japan, wala sa SoKor naval event

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

SEOUL (AFP) – Sinimulan kahapon ng South Korea ang international fleet review nito kasama ng 13 nasyon, matapos umurong ang Japan bilang protesta sa kahilingan ng Seoul na alisin ang kontrobersiyal na ‘Rising Sun’ naval flag sa warship ng Tokyo.

Inisyal na kasama ang Japanese navy sa limang araw na okasyon sa katimugang isla ng Jeju, ngunit ang plano nitong magwagayway ng bandila ay nagbunsod ng serye ng anti-Tokyo protests sa dati nitong kolonya.

Ang emblem ay ensign ng Maritime Self-Defence Forces ng Japan simula 1954, ngunit sa ilang bahagi ng east Asia ay itinuturing itong simbolo ng kanyang pananakop noong Second World War.

Ipapakita ng 13 bansa, kabilang ang South, US, Russia at India ang 41 warships at mahigit 20 military planes sa okasyon, at magaganap ang main display ngayong araw.