Ibranza at Imson, dedepensa sa PH title

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

KAPWA ipagtatanggol nina Genesis Libranza at Jayar Inson ang kani-kanilang titulo laban kina Renz Rosia at Allan Tanada sa Oktubre 14 sa Robinsons Place, Butuan City sa Agusan del Sur.

Inaasahang mapapasabak si Libranza kay Rosia na ngayon lamang lalaban para sa Philippine flyweight title bagamat kumasa na at natalo via 9th round TKO kay dating IBO flyweight champion Moruti Mthalane na IBF titlist ngayon.

Natalo din lang si Libranza, may kartadang 16 panalo, 1 talo namay 10 pagwawagi sa kncokouts, via 4th round knockout kay Mthalane kaya masusubukan ang tibay niya laban kay Rosia na may kartadang 14-6-1 na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Masusubok naman ang tibay ni Imson sa depensa ng kanyang Philiipine welterweight title kay Tanada na mas beterano sa kanyang at dating OPBF at WBO Asia Pacific Youth super featherweight titlist bago umakyat ng timbang.

May rekord si Imson na 17 panalo, 1 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts samantalang si Tanada ay may kartadang 15-7-3 na may 7 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña