Bornea, kakasa sa Russia

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

NAKATAKDANG sumagupa si dating WBO Asia Pacific Youth flyweight champion Jake Bornea ng Pilipinas kay IBF Silk Road Champions Tournament Finalist Zafar Parpiev ng Tajikistan para sa bakanteng IBF Asia bantamweight title sa Oktubre 13 sa Ekaterinburg, Russia.

Galing sa tatlong sunod na panalo si Bornea mula nang mabigo kay undefeated Andrew Selby ng United Kingdom noong Nobyembre 18, 2016 via 7th round TKO sa sagupaang ginanap sa Wembley Arena sa London para sa IBF Inter-Continental flyweight title.

Nanaig si Renerio Alizala via 8th round TKO bago nanaig kay Jestonie Makiputin via 2ndround knockout at sunod na tinalo ang beteranong si Jun Erahan via 8-round unanimous decision.

May nakalaban nang Pinoy boxer si Parpiev sa katauhan ni Melmark Dignos na dinaig niya sa 10-round split decision noong Oktubre 28, 2017 sa Macao, China.

May rekord si Parpiev na 5 panalo, 1 talo, habang si Bornea ay mas beterano sa kartadang 14-2-0, pito via knockouts.

Gilbert Espeña