79 rebelde patay sa Yemen raid

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

ADEN (AFP) – May 79 rebedeng Huthi ang nasawi sa nakalipas na 48 oras sa air strikes ng Saudi-led coalition sa Yemen sa kanlurang probinsiya ng Hodeida, sinabi ng militar at ng medical sources nitong Martes.

Pito pang sibilyan ang nasawi sa strikes sa Hodeida, ang lugar ng mahalagang daungan at target ng panibagong opensiba ng coalition.