Comboy, UAAP POW

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

DAHIL sa kanyang ipinakitang consistency kapwa sa opensa at depensa, nakamit ng kanyang koponang Far Eastern University Tamaraws ang inaasam na unang back-to-back win ngayong season.

Ang hataw ng kanyang mainit na mga kamay na tinambalan pa ng kanyang lockdown defense, napili si Wendell Comboy bilang Chooks-to-Go /UAAP Press Corps Player of the Week.

Sa itinalang back-to-back win ng FEU kontra National University Bulldogs noong Miyerkules, tumapos na top scorer si Comboy sa itinala nitong 18 puntos, mula sa 7-of-12 field goal shooting

Apat na araw kasunod nito, nagtuluy-tuloy ang kanyang momentum sa naging makapigil hiningang panalo nila sa dating undefeated Adamson Soaring Falcons matapos niyang umiskor ng 13 puntos para tulungan ang Tamaraws sa kanilang 88-85 overtime na panalo.

Sa dying seconds ng naturang laban, sinupalpal pa ng 6-foot-0 na si Comboy ang 6-foot-5 na si Sean Manganti para ganap na selyuhan ang kanilang panalo.

“Yun yung talagang nagbibigay sa akin ng playing time,” ani Comboy sa kanyang kontribusyon sa ksnilang depensa.

“Sabi nga ni Coach Olsen [Racela] na dumepensa muna ako tsaka dadating yung opensa ko. Bonus nalang yun.”

Tinalo ni Comboy para sa lingguhang citation sina University of Santo Tomas rookie CJ Cansino, Ateneo big man Angelo Kouame, at University of the Philippines slotman Bright Akhuetie.

-Marivic Awitan