Valerie Concepcion, effective na kontrabida

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

INTENSE lagi ang mga eksena ng afternoon prime drama series na Ika-5 Utos na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Valerie Concepcion, Gelli de Belen, Jeric Gonzales, Jake Vargas at iba pa.

Valerie copy

Magaganda ang mga comment ng mga netizens para sa serye. “Ang huhusay ng mga artista, bagay sa kanila ang mga roles na ginagampanan nila,” sabi ng isang netizen. “Maganda ang role ni Brix (Jeric Gonzales), for a young actor like him, mahusay niyang nagagampanan ang role niya, isang young man na walang ama, pero sa guidance ng ina ay nagsisikap na maging isang lawyer, pero nasira ang pangarap dahil nasangkot sa isang hazing na hindi naman niya ginawa.”

Sabi naman ng isa pa, “Gusto ko rin ang role ni Jake Vargas as Carlo. Kung dati ay mga goody-goody roles ang ginagampanan niya, ngayon ay siya ang pumatay sa hazing victim nila, si Leo (Kiko Estrada) pero pinagtakpan siya ng kanilang senior at hindi sila pwedeng magsalita nang totoo, kaya naipit si Brix. Girlfriend–beater din si Carlo, kawawa sa kanya ang girlfriend niyang si Joanna (Inah de Belen).”

“Si Valerie Concepcion hangang-hanga ako na sa kasamaan ng character niya mabubuwisit ka talaga, mapapamura ka, pero napaka-effective talaga ng pagganap niya. Iyong galit niya kay Brix na akala niya ay siyang pumatay sa anak niya, pero guilt iyon dahil siya ang mamamatay-tao nang nahulog niya mula sa itaas ng building si Randy (Neil Ryan Sese), ang asawa ni Jean as Eloisa at ama ni Brix. Humanga ako sa kanya dahil kaya niyang makipagsabayan kay Jean, na isa talagang mahusay na kontrabida after ni Cherie Gil, the primera kontrabida,” hangang pagbati naman ng isa pang viewer ng serye.

Bumuhos talaga ang mga magagandang comments sa social media tungkol sa story at acting ng buong cast ng Ika-5 Utos. Mula sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, napapanood ang afternoon prime drama, tuwing Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-Nora V. Calderon