ONE FC, may pondong US$250M

Filed under ONE Championship Balita RSS RSS Feed

SINGAPORE – Ipinahayag ng ONE Championship, pinakamalaking global sports media property sa kasaysayan ng Asya, ang pagpasok ng bagong US$166 milyon investment, sa pangunguna ng Sequoia Capital.

ONE FC

Kabilang sa mga bagong investors ang Temasek, Greenoaks Capital, at ilang respetadong institutional investors, sapat para umabot ang kabuuang capital ng ONE sa US$250 milyon. Ang kaganapan ay patunay lamang sa dominanteng market strategy ng ONE.

Samantala sa Bangkok, Thiland, nadomina ni Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand si Mexico’s Iran Diaz para mapanatili ang Super Flyweight World Championship sa ONE: Kingdom of Heroes.

Nagapi naman ni hometown favorite Stamp Fairtex si Kai Ting Chuang ng Chinese Taipei para makopo ang ONE Kickboxing Atomweight World Championship.

Nakuha ni Srisaket ang iskor na 119-109, 120-108 at 119-109.

Sa ONE Super Series Muay Thai contest, magaan na ginapi ni Muay Thai superstar Petchdam Kaiyanghadao ng Thailand si Kenny “The Pitbull” Tse ng China.