Binatilyo sinaksak ng 6-anyos

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isinugod sa pagamutan ang isang 17 taong gulang na lalaki nang saksakin ito ng isang anim na taong gulang na bata sa Valenzuela City, nitong Sabado ng hapon.

Sa paunang imbestigasyon ng Valenzuela City Police, nakikipagtalo ang binatilyo sa ama ng bata na kalugar nito sa Santol Street, Barangay Balangkas, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, lasing ang ama ng bata nang makipagtalo ito sa biktima at sa gitna ng kanilang pagtatalo, pinalo ng binatilyo ang matandang lalaki gamit ang patpat ng kawayan bago ito tumakas.

Hinabol ng matandang lalaki ang binatilyo, kasama ang biktima, at dahil sa galit ng huli ay sinaksak nito ng kutsilyo ang binatilyo.

Kaagad na itinakbo sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima dahil sa tinamong saksak sa tiyan.

Arestado naman ang bata at dinala sa Valenzuela City Child Protection Center upang isailalim sa counseling.

-Minka Tiangco

  • Christian Orzame Blas

    Pinalo po yung matandang lalaki so, yun po yung ama ng bata?

    Tapos hinabol ng matandang lalaki yung binatilyo kasama yung biktima
    Eh diba yung binatilyo ang biktima?
    Pa explain naman po salamat
    Naguguluhan lang po ako eh