Bernaldez, olat sa Aussie boxer

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

KINAPOS si Pinoy Mark Berladez nang mapatumba ni Aussie MacKenzie sa ikapitong round para sa bakanteng WBO Asia Pacific lightweight title kamakalawa ng gabi sa Metro City, Northbridge, Western Australia.

Bumagsak si Bernaldez sa 4th round ng sagupaan ngunit nakabawi ang Pinoy boxer nang mapabagsak si MacKenzie sa 5th round ng laban.

Itinigil ng Aussie referee ang sagupaan sa ikalawang pagbagsak ni Bernaldez eksaktong 1:56 ng 7thround para ideklarang bagong WBO regional champion si MacKenzie.

Napaganda ni MacKenzie ang kanyang rekord sa 20 panalo, 1 talo na may 17 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Bernaldez sa 17 panalo, 2 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña