UST spikers, asam ang ‘sweep’ sa UAAP beach volleyball

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

HUMAKBAng palapit tungo sa pagkumpleto ng 7-game sweep ang defending champion pair nina Sisi Rondina at Babylove Barbon ng University of Santo Tomas kahapon sa UAAP Season 81 beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay.

Magaang ginapi nina Rondina at Barbon ang National University rookie tandem nina Klymince Orillaneda at Antonette Landicho, 21-12, 21-7, bago ipinoste angb21-7, 21-11 demolisyon sa Adamson University duo nina Hannah Nicole Infante at Gracelchen Ave.

Bukod sa malinis na markang 6-0, panalo-talo, hindi pa rin nakakatikim kahit isang set na pagkabigo ang Tigresses.

Pupuntiryahin nila ang outright entry ss best-of-three championship sa pagsagupa sa Far Eastern University ganap na 10:40 ng umaga sa Biyernes.

Nagwagi rin ang De La Salle pair nina Tin Tiamzon at Michelle Morente sa University of the East tandrm nina Lyen Shan Ritual at Donna Nebrea, 21-4, 21-5.

Dahil dito, tumabla ang Lady Spikers sa Lady Bulldogs sa markang 4-1.

Samantala ss men’s division, tinalo nina FEU Tamaraws Jude Garcia at Kevin Hadlocon sina De La Salle Spikers Geraint Bacon at Paul Serrano, 21-11, 21-10, para makalapit sa asam na outright Finals berth.

Nagtabla naman sa ikalawang puwesto ang NU at UST taglay ang barahang 5-1 matapos gapiin ng reigning champion Bulldogs pair nina Bryan Bagunas at James Natividad sina Clifford Inoferio at Alven Aljas ng UE, 21-16, 21-15, habang tinalo nina Tigers Krung Arbasto at Jaron Requinton ang Falcons duo nina Pao Pablico at Jesus Valdez, 23-21, 21-15.

-Marivic Awitan