Kilalang aktor sunud-sunuran sa ina

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AWA ang naramdaman namin para sa isang kilalang aktor na laging misunderstood, dahil sa kagagawan ng kanyang kaanak.

Detalyadong ikinuwento sa amin ng taong malapit sa kanya ang pinagdadaanan niya sa buhay simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

“Actually, mabait naman talaga si (kilalang aktor), kaso kapag nanay na niya ang nagsabing ganito o ganyan, tahimik na siya. Wala na siyang magagawa kundi sumunod.

“Nanay niya ang nagpalaki sa kanya, nanay niya ang nagsasabing don’t do this, don’t do that at kung anu-ano pa. So maski na may gusto siyang gawin na ayaw ng nanay niya, wala siyang magagawa kundi sumunod. Doon pumapasok na misunderstood siya sa lahat ng bagay, plus the fact na hindi siya showbiz,” kuwento sa amin ng source.

Nabanggit naming may kuwentong matagal nang umiikot na hindi maganda tungkol sa kilalang aktor.

“Ano kasi siya, super gentleman, as in sobrang paggalang niya sa mga babae. Siyempre he was raised by his mom, so ang taas ng tingin niya sa mga babae,” paliwanag sa amin.

Nabanggit kasi namin ang nakarating sa aming tsika na ilang oras na kasama ng kilalang aktor ang girlfriend nito, at wala silang ginawa kundi magkuwentuhan lang.

“Oo, may ganu’n siyang ugali. Sobrang gentleman nga. Masyado siyang magalang maski na girlfriend pa niya,” pagtatanggol ng taong malapit sa kilalang aktor.

Marami raw dalahin sa dibdib ang kilalang aktor kaya nagiging dahilan din ito kaya kapag naiinterbyu ay maraming hugot sa buhay ang aktor at diretsong sumagot na walang paliguy-ligoy.

“May pagkataklesa nga ‘yan,” diin pa ng aming kausap.

Nanghihinayang lang sila sa kilalang aktor, dahil may desisyon itong ginawa na may kinalaman sa career nito, na pinagsisisihan nito ngayon.

“Eh, nanay naman niya ang may gusto. So sinunod niya. Hayan anong nangyari?”sabi pa ng taong malapit sa kilalang aktor.

As of now ay may manaka-nakang proyekto naman ang kilalang aktor.

-Reggee Bonoan