6 pulis sugatan, 1 patay sa pamamaril sa South Carolina

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CHARLESTON, S.C. (Reuters) – Anim na pulis ang nasugatan, isa ang namatay, nang pagbabarilin ng isang lalaki ang mga awtoridad mula sa loob ng isang bahay nitong Miyerkules malapit sa Florence, South Carolina; nagbunsod ng dalawang oras na bakbakan na nagtapos sa pagkakaaresto ng suspek.

Malabo pa rin ang mga detalye ng pamamaril at kung paano ito nagtapos. Ngunit sinabi ni Florence County Sheriff Kenney Boone na pinagbabaril ang mga pulis nang tangkain nilang maghain ng routine search warrant sa Vintage Place subdivision sa dulong kanluran ng lungsod.

Ligtas na ang ilang bata na nasa loob ng bahay kasama ang suspek na inaresto, sinabi ni Major Michael Nunn, spokesman ng sheriff’s office.