BanKo-Perlas, alagwa sa Vinh Long meet

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

NAGPOSTE ng dalawang sunod na panalo ang koponan ng Banko-Perlas sa pagtatapos ng kanilang elimination round campaign sa Vinh Long Television Cup sa Vinh Long Province Gymnasium sa Vietnam.

Gayunman, hindi sapat ang nasabing dalawang panalo upang umabot sila ng finals.

Iginupo ng Perlas Spikers ang Vietnam Postbank, 25-19, 21-25, 25-20, 25-18, kasunod ng kanilang 25-20, 25-20, 21-25, 25-18 tagumpay kontra sa koponan ng Malaysia noong Linggo ng gabi.

Nauna ng nabigo ang PVL Reinforced Conference third placer sa koponan ng VTV-Vietnam, 25-20, 12-25, 13-25, 20-25 at Vinh Long, 23-25, 14-25, 22-25 , ang dalawang teams na pumasok sa championship.

“I would like to commend the girls for winning, kahit alam ko marami ng sumasakit sa katawan nila dahil sa sunod-sunod na games dito. But they’re enduring the pains para lang makapaglaro ng mabuti at manalo hindi lang para sa Banko Perlas kundi pati sa Pilipinas na rin,” pahayag ni coach Ariel dela Cruz.

Muling makakasagupa ng Perlas Spikers ang Malaysia para sa bronze medal.

“Maraming salamat sa lahat ng nagdadasal at sumusuporta sa team Banko Perlas,” dagdag ni Dela Cruz.

-Marivic Awitan