Air Force vs Adamson sa PVL

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Standings W L

BanKo-Perlas 2 0
PetroGazz 3 2
Pocari 2 1
Tacloban 2 1
Ateneo 1 0
Creamline 0 1
Adamson 0 1
Iriga-Navy 0 4

Mga Laro Ngayon

(Flying V Center)

4 p.m. – Adamson-Akari vs Pocari-Air Force
6 p.m. – Creamline vs Tacloban

Umangat sa ikalawang puwesto ang kapwa tatangkain ng Pocari-Air Force at ng Tacloban sa pagsabak nila sa nakatakdang double header ng Premier Volleyball League 2 Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtataglay ng parehas na barahang 2-1(panalo-talo)sa likod ng mga nangungunang Banko Perlas (2-0) at Petro Gazz (3-2), maghahangad ng kanilang ikatlong panalo ang Lady Warriors at ang Fighting Warays sa muli nilang pagsalang.

Unang sasabak ang Pocari kontra Adamson- Akari ganap na 4:00 ng hapon kasunod ang Tacloban kontra sa paboritong Creamline ganap na 6:00 ng gabi.

Huling tinalo ng Fighting Warays ni coach Nestor Pamilar ang Lady Falcons habang winalis ng Lady Warriors ang Iriga-Navy para sa ikalawa nilang tagumpay.

Inaasahang mamumuno sa tangkang pagbawi ng Creamline sina Alyssa Valdez, Michelle Gumabao, Gemma Galanza at Jia Morado na tiyak namang sisikaping mapigil ng Fighting Warays sa pangunguna nina Jovie Prado, Heather Guino-o at Kyle Negrito.

-Marivic Awitan