Folayang vs Khan sa ONE

Filed under ONE Championship Balita RSS RSS Feed

MULING masasaksihan ng sambayanang ang gilas ni Eduard ‘The Landslide’ Folayang. At sa isa pang pagkakataon nakataya ang ONE Lightweight World Championship.

Ipinahayag ni ONE Championship chairman and CEO Chatri Sityodtong na nakataya ang lightweight division title na binakante ni Martin Nguyen sa laban ni Folayang kontra top lightweight contender Amir Khan ng Singapore sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS sa Nobyembre 23 sa MOA Arena.

“I am excited to announce that Eduard Landslide Folayang and Amir Khan will face each other for the ONE Lightweight World Championship on November 23 in Manila!” pahayag ni Sityodtong sa kanyang mensahe sa Facebook, “The stakes could not be any higher for both warriors in what will be the biggest fight of their careers.”

Galing ang 33-anyos na Team Lakay mainstay sa magkasunod na

unanimous decision victories kontra kina undefeated Russian grapplers Aziz Pahrudinov at Kharun Atlangeriev.

Nakamit ni Folayang ang titulo nang gapiin via third-round TKO victory si Japanese legend Shinya Aoki sa Singapore noong 2016. Ngayon, may pagkakataon siyang maging unang Pinoy na two-time ONE Lightweight World Champion.

“Eduard wants to reclaim his title and go down as the greatest Filipino martial artist in history,” sambit ni Sityodtong.