Ardina, larga sa LPGA

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

NAKASIGURO si Pinay pro Dottie Ardina ng tiket para sa LPGA Tour sa susunod na taon matapos ang matikas na kampanya sa Symetra Tour.

Sumosyo ang 24-anyos na si Ardina sa IOA Golf Classic sa Longwood, Florida nitong Linggo (Lunes sa Manila) para mapanatili ang liderato sa Volvik Race to the Card.

Naitala ni Ardina ang tournament 18-hole record sa eight-under par 63 sa opening round sa Alaqua Country Club. Nagtapos siya sa 71-66 para sa kabuuang 13-under 200 total, isang stroke ang layo sa nagwaging si China’s Ruixin Liu, na kumana ng final-round 67.

Ang top 10 sa pagtatapos ng Symetra Tour season ay awtomatikong may LPGA cards.

Ito ang ikalimang pagkakataon na somosyo si Ardina sa ikalawang puwesto, sapat para sa premyong US$11,080 ( P590,000) at kabuuang $94,954 ngayong season, at gapiin si Liu na may $91,089.