Buntis kinatay ng nobyo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Napatay ng isang 34-anyos na lalaki ang kanyang nobyang tatlong buwang buntis matapos umano silang magtalo sa San Rafael, Bulacan, kamakailan.

Dead on the spot si Anne Arcega, 30, ng Barangay Matic-Matic, Norzagaray, Bulacan, dahil sa mga saksak sa katawan.

Agad namang nasakote si Jayson Bidaja, 34, ng Bgy. Pulo, San Rafael at kinasuhan ng murder.

Sa pagsisiyasat ng San Rafael Municipal Police Station (SRMPS), nagtungo si Bidaja sa pinapasukang bar ng biktima para isama sanang kumain sa labas, kasama ang kaibigang si Agnes Antiquerra, 20.

Habang papunta pa lamang ang mga ito sa kainan, nagtatalo na ang magkasintahan.

Bigla umanong umalis si Bidaja at nang bumalik ay may dala nang patalim na ginamit sa pananaksak kay Arcega.

Selos ang isa sa mga sinisilip na motibo sa insidente.

-FER TABOY