Aktres, nasisisi sa ‘di kumitang pelikula

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TILA ang aktres ang na sisisi dahil mahina sa takilya ang pelikulang kinabilangan niya. Nega pa rin kasi ang tingin ng lahat sa kanya base sa survey na ginawa ng ilang tauhan ng movie outfit.

Inisip tuloy namin isa-isa kung sinu-sino ang mga kasama sa pelikula at oo nga, parang ang aktres lang nga yata ang hindi maganda ang relasyon sa media.

“Huy, hindi naman! May mga kabati naman siyang press,” pagtatanggol ng taong malapit sa aktres.

Umayon naman kami dahil saksi rin naman kami na marami siyang kabatiang taga-media na matagal na niyang kakilala kaya hindi kami sang-ayon na nega siya sa lahat. Siguro ay mas maingat na siya ngayong makipag-tsikahan da h i l l a g i s i y a n g nami – misunderstood.

Anyway, sana naman ay huwag isisi sa aktres na mahina sa takilya ang tinutukoy na pelikula dahil hindi naman niya solo iyon. Baka naman kasi hindi talaga nagustuhan ng mga nakapanood ang istilo o istorya ng pelikula dahil unang-una, medyo luma na raw ito, hindi pang-millenial.

“Alam mo naman, millennials ang pumupuno ng mga sinehan ngayon,” sabi pa sa amin.

-Reggee Bonoan