2 rebelde todas sa engkuwentro

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Dalawang umanong kaanib ng New People’s Army (NPA) ang napatay nang makaengkuwentro ng mga ito ang militar sa Barangay Recto, Bulan, Sorsogon, nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Captain Joash Pramis, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (9ID) ng Philippine Army (PA).

Aniya, tumagal ng 15 minuto ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamnahalaan at ng grupo ng mga rebelde, na pingunahan ni

Ernesto Fermanez, alyas Noah, ng Larangan 2, Komiteng Probinsiya 3 ng Bicol Regional Party Committee. Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 31st Infantry Battalion (IB) matapos na makatanggap ng impormasyon kaugnay ng namataang grupo ng mga rebelde sa nasabing liblib na lugar.

Bukod sa napatay na dalawang rebelde, nasamsam din sa pinangyarihan ang dalawang M16 rifle; isang M14 rifle; ilang backpack na puno ng mga personal na gamit; at iba pang subersibong dokumento.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Joint Task Force Bicolandia commander, Major General Jesus Manangquil, Jr. ang malasakit ng mga residente laban sa mga rebelde.

-Niño L. Luces