IG ni Ate Vi, ipinagkalat ni Luis

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SIGURO naman ay may pahintulot ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang ginawang pag-public ni Luis Manzano sa Instagram (IG) account ng star for all season.

Cong. Vilma at Luis copy

Ibinalita kasi ni Luis sa IG niya ang IG account ng mom niya na ang pangalan ay Vilma Santos-Recto na.

“My mom has a new IG account!!! Balik IG na naman si Momski, follow her @rosavilmasantosrector!!! LEGIT YAN! :).”

Nag-comment sa post na ito si Ate Vi: “Thank you so much son. I love you so much. Stay safe.”

May limang post pa lang ang IG ni Vilma at ang isang photo ay magkasama sila ni Claudine Barretto. Inulit nila ang pose nila sa picture nila para sa pelikulang Anak na kanilang pinagsamahan noong 2000.

Samantala, nag-thank you si Luis sa EdukCircle para sa natanggap niyang Best Game Show Host award for 2018.

-NITZ MIRALLES