Kasparov Chess Open sa Imus

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TUTULAK ang Canon Carlsen Kasparov Chess Club’s Weekly Open Rapid chess tourney sa Oktubre 14 sa Dugout Sports Bar and Music Place, sa Imus, Cavite

Nakataya sa torneo na gaganapin sa tatlong sunod na linggo ang tropeo at P10,000 cash.

Ang tournament registration fee ay P600, habang libre ang paglahok ng Grandmaster at International Master.

Ang seven-round Swiss system tournament ay bukas sa lahat ng manlalaro, rated o unrated, anuman ang kanilang kasarian at edad. Itinakda ang time control na 30 minuto sa bawat manlalaro sa event na suportado ng Dugout Sports Bar and Music Place, Molded Mind Chess, at sanctioned ng the National Chess Federation of the Philippines at pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines.