‘Disyembreasais’, itinanghal na ‘Lakambini’ champ

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KUMAWALA sa huling 200 metro ang Disyembreasis tungo sa impresibong two-length victory sa 2018 Philippine Racing Commission (Philracom) ‘Lakambini Stake Race’ nitong Linggo sa Manila Jockey Club’s San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tampok ang garantisadong P900,000 champion prize, matiyagang nakipagsabayan ang Disyembreasais mula simula hanggang sa huling hatawan, bago kumikig nang todo sa huling ayuda para makopo an gpanalo at tanghaling ‘Reyna’ sa stakes race na bukas para sa locally born 3-year-old fillies na nakalahok na sa torneo ng Philracom.

Iginiit ni jockey Jordan (JB) Cordova, na kasama sa plano ang pagreserba ng lakas ng kanyang alaga na pagmamay-ari ni Alfredo R. Santos, bago tuoluyang bumuga sa huling rematahan tungo sa tyemponh 1:14. Ito ang ikaaanim na panalo ngayong 2018 ng Disyembreasis.

“Ang naging diskarte namin nu’ng trainer (Edwin M. Vittali), antabay lang kami sa likod, hanggang sa magrekta, dire-diretso na pagdating sa dulo,” pahayag ni Cordova matapos ang karera na may distansiyang 1,600-meter.
“Si Disyembreasais, maasahan sa mga ganyang distansiya, lalu na kapag may nagbabakbakan sa harapan. Hayan ang gustong-gusto niya, nakasunod lang siya,” aniya.

Pinangunahan ni Philracom Chairman Andrew Sanchez ang pagbibigya ng treope at premyo sa mga nagwagi.

Ang iba pang bumida sa 12-race Manila Jockey Club Inc. race programa ang Above the Knee (Race 1), Sky Hook (Race 2), Wild Grass (Race 3), Reconstruction (Race 5), I Love Jane (Race 6), Mighty Pride (Race 7), Hot and Spicy (Race 8), Run and Gun (Race 9), Pride of Laguna (Race 10), Barrio San Jose (Race 11) at Brown Sister (Race 12).

Samantala, dalawang malaking karera ang nakalinya sa darating na Oktubre — 2nd Leg ng Philracom Juvenile Fillies at Colts Stakes Race sa Oct. 14 at Sampaguita Stakes Race sa Oct. 28.

Lalarga rin ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, MARHO Racing Event at 1st Leg of 3YO Open Challenge Series sa Nov. 4, gayundin ang 3rd Legs ng Juvenile Fillies Stakes Race at Juvenile Colts Stakes Race sa Nov. 18.