NBA: Butler, humingi ng trade sa Wolves

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MINNESOTTA (AP) – Napaulat na hiniling ni Jimmy Butler na itrade siya ng Minnesota Timberwolf ay iginiit umano nito sa koponan ang lugar na kanyang paglilipatan.

Tangan ng 29-anyos ang player option sa ikalimang taon ng kontrata. Personal umanong kinausap ni Butler sina Coach Tom Thibodeauu at agad na hinilin ang trade.

Nagpahayag ng interest ang New York Knicks, Brooklyn Nets at Los Angeles Clippers.

Sa Dallas, nagbigay ng tulong pinansiyal si Dallas Mavericks owner Mark Cuban ng halagang US$10 milyon para matustusan ang programa para mapataas ang antas ng kaalaman sa kahalagahan ng women in sports at paglaban sa domestic violence.

Naganap ang kawang-gawa matapos malagay sa kontrobersyal ang dating Dallas team president Terdema Ussery dahil sa karamdaman.