Greenies, kampeon sa SBP Passerelle

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

GINAPI ng La Salle Green Hills-Team A ang Ateneo De Manila University, 64-44, nitong Linggo para sa ikaapat na sunod na kampeonato sa 33rd Season ng Small Basketeers Philippines-Passerelle Twin Tournament sa Colegio San Agustin Gymnasium sa Makati.

Naitala ni Andre Mikael Minas ang game-high 13 puntos, habang kumana si Joaquin Alessandro Torres ng siyam na puntos para sa Greenies.

Naitala ng LSGH-Team A ang 4-0 karta sa eliminations at ginapi ng De La Salle Santiago Zobel-Team A, 49-33, sa semifinal sa Sept. 9 sa torneo na itinataguyod ng Milo, Rain or Shine at Chris Sports.