TF nina Mavvy at Cassy, ipinauubaya ni Zoren

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAKA-RELATE ba si Zoren Legaspi sa karakter niya sa Kapag Nahati Ang Puso?

Zoren, Carmina, Cassy at Mavy

Sa morning serye kasi ng GMA-7, bilang si Nico ay girlfriend na niya noon si Miranda (Bing Loyzaga) nang na-meet niya si Rio (Sunshine Cruz), na mas minahal niya at nabuntis pa nga niya. Pero obsessed si Miranda kay Nico kaya ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi mapunta sa iba ang minamahal.

“No, hindi ko na-experience iyon na may dalawang babae sa buhay ko,” natatawang sagot ni Zoren. “Hindi ako nagsasabay ng dalawang girlfriends. Stick to one lang ako, mahirap ‘yun.”

Twenty years na pala sila ni Carmina Villarroel, pero six years pa lang silang kasal. Bakit nga ba natagalan bago sila nagpakasal?

“Siguro, dahil wala naman kaming problema sa pagsasama ni Carmina, nakalimutan naming hindi pa pala kami kasal.”

Sinabi rin ni Zoren ang sekreto ng maganda nilang pagsasama: give and take daw sila bilang mag-asawa.

“Pareho kaming seloso at selosa ni Carmina, pero hindi kami nagbibigay ng bagay para magselos kami sa isa’t isa.

“Pareho kasi kaming hindi mahilig sa night out ni Carmina. Mas gusto naming mag-stay lang sa bahay kung walang work, kasama ang mga anak namin. Kapag nagustuhan ng mga batang lumabas, sama-sama pa rin kami.”

Kumusta naman ang kambal nilang sina Mavvy at Cassy, na turning 18 na sa January 6, at pareho na ngayong nakakontrata bilang Kapuso artists? Bilang manager ng kambal, inusisa rin namin kay Zoren kung paano iniipon ng dalawang teenagers ang kanilang suweldo.

“’Yung mga talent fees nila sa commercials na ginagawa namin, diretso iyon sa bank nila. ‘Yung mga TV guestings, ang talent fees nila ibinibigay ko sa kanila.

“Para ngang nagsisi ako na ibinigay ko sa kanila ang talent fees nila, ginagastos nilang lahat. Si Mavvy nauubos ang pera niya sa shoes, nagmana sa ina. Si Carmina kasi mahilig sa shoes,” natatawang kuwento ni Zoren.

“Magkakaroon na ng show sina Mavvy at Cassy, kasama si Carmina. Inaayos pa. At last Thursday, September 13, nag-guest kaming mag-anak sa Pepito Manaloto,” kuwento pa ni Zoren.

-NORA V. CALDERON

  • huseng sisiw

    Totoo po ba, magkakaroon na ng show ang Kambal nina Zore at Ms. Carmina????? Sana tuluy2 na, ano pong show ito, drama po ba? tnx

  • huseng sisiw

    Kelan po ang airing nung guesting nila sa PEPITO MANALOTO? NICE, madame mag-aabang neto lalo na sa kambal! congrats and goodluck mga idol!!! congrats Mavt at Cassy!!!