Sa love puwede kang manalo, puwede kang matalo—Angelica

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA grand mediacom ng newest teleserye ng ABS-CBN na Playhouse na magsisimula sa Lunes, September 17, at headed by Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, natanong ni Yours Truly ang aktres kung true ba ‘yung dialogue niya sa nasabing serye tungkol sa “pag-ibig na walang kasiguraduhan”.

angelica panganiban

Naranasan na ba ‘yun ni Angelica? Ilang beses na?

“You mean, Tita Mers, hindi ako sigurado sa mga pinapasok ko, ganun? Ahhh, may mga pagkakataon na ganun. So ngayon naman, siyempre, gusto ko na sigurado na.

“Pero wala talagang kasiguraduhan kung ano ba ang magiging kahihinatnan ng lahat. Ang dapat kasi, handa ka lang sumugal sa pag-ibig. ‘Yung talagang handa ka nang magmahal, at kaya mo nang sumugal, at alam mong kaya mo nang ma-take. So…game.”

So love is a gamble para kay Angelica?

“Puwede. Kasi puwede kang manalo, puwede kang matalo. Pero ako, pakiramdam ko kasi, kahit na pakiramdam ng iba ay natalo ka, dapat ang pakiramdam mo sa sarili mo, ikaw dapat ang panalo. Kasi marami kang natututuhan sa bawat pagkatalo,” nakangiting hugot niya.

Kung sabagay, may katuwiran siya, sa true lang. As in matalo man sa kung anumang bagay ay may matututuhan pa rin. Boom, pasok!

Saka when asked regarding sa mga lalaking nali-link sa kanya romantically, tulad nina JM de Guzman, Carlo Aquino, JC Santos, at Zanjoe ay natawa siya.

“Wow, sobrang ganda ko! Thank you, Lord, for this face! Ha, ha, ha!”

Bukod naman sa sayang hatid ng pagsasama nina Angelica at Zanjoe sa kanilang Playhouse serye, under GMO unit, magdadala rin ng matinding kilig ang bagong tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

Mapapanood sila bilang Shiela at Zeke, dalawang hindi magkasundo na kalaunan ay mahuhulog sa isa’t isa.

Kasama rin sa Playhouse sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.

-Mercy Lejarde