Bryan Revilla, hard action sa unang lead role

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

UNANG lead role ni Bryan Revilla ang “Virgo,” isa sa tatlong episode ng Tres, na ipapalabas sa October 3 .

Bryan copy

Produced ng Imus Productions ng kanilang pamilya, kasama ni Bryan sa action trilogy ang mga kapatid niyang sina Jolo Revilla at Luigi Revilla. “This is personally special to me because this is the first time I’m doing a movie as lead,” kuwento ng panganay nina Bacoor City Mayor Lani Mercado at ex-Sen. Bong Revilla nang humarap sa solo presscon earlier this week. “So this is very close to my heart kasi kung hindi ko naman ginalingan dito, sayang din naman ang opportunity. Not everyone gets this kind of opportunity and if ever na mabigyan tayo ng ganitong klase ng opportunity might as well na give your best talaga.” Sineryoso ni Bryan ang pagbabawas ng timbang para sa kanyang role lalo na’t hard action ang kanyang episode. Sa trailer pa lang, kita nang pangbarako talaga ang action scenes ng “Virgo”. “Getting back to my weight way back when I was I college was really challenging, so discipline talaga,” aniya. Kuryente ang napabalita last month na nililigawan niya si Erich Gonzales. Nagsimula ang tsismis nang magpa-block screening siya ng indie movie ni Erich na idinirihe ni Richard Somes, na direktor din niya sa “Virgo.” “I’m single but I’m not lonely. Kung nakilala mo naman ‘yung tama, dumating naman ‘yung tamang tao d’yan sa buhay mo, mararamdaman mo din naman ‘yun e,” sabi ng 31 year-old actor.

-DINDO M. BALARES