Bela, crush na crush ni Sen. Win

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA tsikahan namin with Atty. Ferdinand Topacio with matching Sen. Sonny Angara on the side during Atty. Topacio Yes Yes Yo radio program anniversary, ibinuking ng dalawa na crush na crush daw ni Sen. Sherwin Gatchalian ang aktres na si Bela Padilla.

Bela at Gatchalian

“Bagay naman sila at pareho pa ‘atang walang karelasyon sa ngayon, ‘di ba?” tanong sa amin ni Atty. Topacio.

Well, not bad kung sooner than soon ay magkakaigihan sila. At dahil richie-rich ang mga Gatchalian, kung sakali ay pupuwede na ring mag-produce si Bela ng mga pelikula, tulad ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce, na ngayon ay boyfriend na ni Angel Locsin.

Sa nasabing tsikahan ay napag-alaman namin na naipalabas na pala sa telebisyon ang life story ni Sen. Sonny via Wagas ng GMA News TV. Si Mikael Daez ang gumanap sa papel ng senador, habang si Carla Humphries naman ang gumanap sa napangasawa niya.

At mukhang faithful si Sen. Angara sa kanyang wifey, kaya naman wala siyang maisagot nang tanungin naming kung sino naman ang celebrity crush niya sa kasalukuyan.

Natanong na rin ni Yours Truly ang dalawa kung may K ba ang Facebook na tanggalin ang account ni Robin Padilla, dahil sa mga posts nito against Sen. Antonio Trillanes IV.

“Siguro suspended lang naman. Kasi meron namang rules, terms and policy ang Facebook na if you agree ay dapat natin sundin,” sabi nila.

‘Di bale, Robin, meron namang iba pang social media, tulad ng Instagram, Twitter, YouTube, or if you like ‘andito lang kaming mga showbiz writers to air your side on the matter.

-MERCY LEJARDE