‘Baby bump’ ni Marian, usap-usapan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media kung totoong buntis na uli si Marian Rivera. Kumalat kasi ang litrato ng aktres na nakasuot ng fit na fit na dress, at may halatang umbok sa puson, na sinasabing baby bump daw.

Marian copy

Payat kasi si Marian at kilala siyang hindi mabilbilin at flat ang tiyan, kaya madaling nahalata ang malaking tiyan niya sa latest pictures ng aktres. Marami tuloy ang nag-aakala ngayon na buntis na nga uli ang misis ni Dingdong Dantes.

Bale ba, sa isa sa mga huling interview kay Marian ay natanong siya kung kailan nila susundan ni Dingdong si Baby Zia, at “very soon” ang sagot ng aktres.

Dagdag pa rito ang pagkakaurong for next year ng teleserye niya sa GMA-7, gayundin ng pelikulang gagawin sana niya sa APT Entertainment. Kaya lalong nagduda ang marami na buntis na nga uli si Marian.

Baka raw hinihintay lang nito at ni Dingdong ang go signal ng doctor ng aktres bago i-announce na preggy na uli siya.

Sakaling totoong buntis na si Marian, tiyak na matutuwa si Zia, na matagal nang humihiling ng kapatid, lalo na ng baby brother.

-NITZ MIRALLES