4 na Sanggre sa ‘Victor Magtanggol’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GINULAT ng Victor Magtanggol ang viewers sa episode last Friday dahil bago magtapos ang programa ay lumabas ang picture ni Glaiza de Castro, kasabay ng pagtugtog ng theme song ng Encantadia.

1Gabbi, Kylie, Sanya at Glaiza

Nahulaan kaagad ng mga sumusubaybay sa Victor Magtanggol na magge-guest ang apat na Sanggre ng Encantadia sa Victor Magtanggol, kaya natuwa ang fans ng Encantadia. Matagal na kasi silang nagre-request sa GMA-7 na ibalik ang paborito nilang telefantasya.

Kahit noong nalaman ng Encantadiks (tawag sa fans ng Encantadia) na magge-guest lang ang mga Sanggre, na sina Glaiza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla sa telefantaserye ni Alden Richards ay natuwa pa rin sila.

Ipinost nina Glaiza, Sanya, Gabbi at Kylie sa kani-kanyang Instagram ang pictures nilang apat. ‘Yung isa, naka-casual wear sila at ‘yung isa, naka-costume ng mga Sanggre, na lalo pang ikinatuwa ng Encantadiks.

“Abangan” at “Kamusta, mga warka?” ang caption ni Glaiza sa mga litrato nilang apat.

“Forever Apwes” naman ang caption ni Sanya.

“Together agaaaain!!! Namiss ko kayo” at “Avisala” ang caption ni Gabbi.

“Avisala” at “Squad” naman ang caption ni Kylie sa two pictures nilang apat.

Sa papasok na linggo na yata lalabas sa Victor Magtanggol ang mga Sanggre, at ngayon pa lang ay marami na ang nagre-request na habaan ang labas nila. o kaya’y hanggang sa ending na lang sila makasama ni Alden.

Pero ‘tila malabo ito dahil may teleserye si Gabbi. Nasa Pamilya Roces siya. Si Sanya naman ay nasa Cain at Abel. Si Glaiza ay paalis for London para maghanap ng music school. Sigurado ring may show si Kylie, kaya hanggang guesting lang silang apat sa Victor Magtanggol.

-Nitz Miralles