Myrtle, muntik nang sinukuan ang showbiz

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MALAKI ang pasasalamat ni Myrtle Sarrosa dahil sa ipinagkaloob na big break sa kanya sa pagbibida niya sa pelikulang Wander Bra, na showing na nitong Miyerkules.

Myrtle Sarrosa copy

“Sobrang grateful ko. This will be my first lead role na starring film so I’m grateful na finally after six years dumating na rin sa akin ito. I thought it was too good to be true,” sabi ng Megasoft ambassadress, sabay tawa.

“Eh, kasi before ang dami na ring times na parang I was supposed to star in something tapos hindi natutuloy. So sabi ko, ‘Pag hindi pa nagsa-start ‘yung shooting at hindi pa pinapalabas ‘yung film, ayoko munang mag-expect.’

“So ngayon nagsi-sink in na siya sa akin na ipapalabas na siya, so kinakabahan ako. I’m excited and a little bit nervous but all good,” panayam kay Myrtle sa premiere ng Wander Bra last September 11.

“’Yung passion ko for what I do, for acting most especially, kasi through the years alam ko when I started I needed so much improvement. So ang daming learnings and workshops na pinagdaanan ko. And minsan there’s a time na parang na iisipin mo dadating pa kaya ‘yun or panghihinaan ka ng loob. But it’s all in God’s plan,” paliwanag pa ng aktres.

Pahayag pa ng Wander Bra star, at one point in her life ay unti-unti na siyang nawawalan ng pasensiya. She did consider quitting showbiz. “Meron. Pero parang mas nauunahan pa rin siya ng passion mo to do this. Kasi nag-e-enjoy naman ako when I go to shootings, when I go to tapings, when I go to events. I love what I do,” ani Myrtle.

Hindi na bago sa aktres ang pagganap bilang superhero, since she has always been into cosplaying even before joining showbiz.

“Sobra. Kasi everyone knows that I started with cosplay. Up until now nagko-cosplay pa rin ako. So dream ko talaga i-bring to life ‘yung mga comic book characters, mga superheroes. So dream come true na ‘yung pinakauna kong film isang superhero film.

“Nung time na ginawa yung film payat na kasi ako so not much adjustments, kasi after the Ginebra San Miguel na calendar ‘yun. So parang maging mas easier na siya.”

When it comes to her personal life, Myrtle said she is happily seeing someone outside of showbiz, pagkatapos silang maghiwalay ni Bryan Llamanzares, panganay na anak ni Senator Grace Poe.

“I’m good. I’m dating someone but I don’t want to jinx anything,” pagtatapos ng aktres.

-ADOR V. SALUTA