May mabuti siyang intensiyon—Marian

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KASAMA si Marian Rivera sa magbibigay ng maagang Pamasko sa mga Kapuso abroad sa Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa October 7, sa The Grove of Anaheim sa Los Angeles, California. Kasama rin ni Marian ang iba pang Kapuso artists, gaya ni Ai Ai d e l a s Alas.

Marian-Rivera-2

S a launch ng nasabing concert, natanong si Marian k u n g isasama ba niya ang anak n a s i Baby Zia, matitiis ba niyang mawalay sa anak n a n g ilang araw?

“Pag-uusapan po naming mag-asawa ni Dong (Dingdong Dantes),” sagot ni Marian.

“Puwede namang hindi ko siya isama, dahil nandito naman ang Daddy niya. Naiisip ko ring baka manibago si Zia, iyong jetlag, dahil matagal ang biyahe.

“First consideration po naming mag-asawa ang welfare ng anak namin. Ilang araw lang naman kami roon, kaya baka hindi ko mapansin ang araw, dahil upwede ko naman laging makita ang anak ko sa Skype or Facetime. Saka may classes siya kaya malilibang din siya.”

Pagdating sa usaping politics ay ayaw nang mag-comment ni Marian tungkol sa mga plano ng kanyang mister. Ito ay ilang araw makaraang lumabas sa publiko na kabilang si Dingdong sa listahan ng mga potential senatorial bets ng oposisyon para sa mid-term elections sa Mayo 2019.

“Hahayaan ko pong ang asawa ko ang magsalita. Ako tagasuporta lang kung ano ang desisyon niya, ayaw ko siyang pangunahan.

“Wala pa kaming pinag-usapan pero siya ang masusunod kung ano talaga ang gusto niya. Ang masasabi ko lang may mabuti po siyang intensiyon lalo na kung sa ikabubuti ng kanyang kapwa,” paglilinaw ni Marian.

Kinumpirma rin ni Marian na hindi na siya makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December, dahil hindi na sila aabot. Ang magdidirek sana ng horror movie niya sa Regal Films ay may ginagawa ring entry for MMFF.

Next year na rin niya masisimulan ang teleserye niya sa GMA Network, dahil pauunahin niyang gumawa ng teleserye si Dingdong. Kasisimula lang ng huli na mag-taping with Dennis Trillo para sa Cain at Abel.

-NORA V. CALDERON