KathNiel movie, halos P600M na ang kita

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NANANALANTA ng box office records ang The Hows of Us movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kathryn at Daniel copy

Umabot na sa halos P600M ang kinikita ng pelikula nang idagdag ng Star Cinema ang US$1M income sa overseas screenings nila.

Ang KathNiel ang may hawak ngayon sa record bilang pelikulang Tagalog na pinakamalaki ang kita, at patuloy pang lumalaki.

Nilampasan na nila ang P556M ng A Second Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz at malapit na ring talunin maging ang P598M ng The Super Parental Guardians ni Vice Ganda.

Vindication para kay Kathryn ang big success na ito ng latest movie ng love team nila ni Daniel.

Sa press launch ng The Hows of Us, inamin ng kanilang direktor na si Cathy Garcia-Molina na marami pa rin ang duda sa kakayahan ni Kathryn bilang actress.

Ito rin ang mismong dahilan ng pagiging teary-eyed ng dalaga nang magsalita sa thankgiving party para sa pelikula niya.

Hindi lang nagpakita ng bagong lalim sa pagganap si Kathryn sa The Hows of Us, pinatunayan din nila ni Daniel na sila ang most bankable stars ngayon.

Bago ipinalabas ang The Hows of Us, may mga intriga at kantiyaw nang hindi na KathNiel ang pinakasikat na love team.

Pinagbabalakang paghiwalayin muna sila sa susunod na projects. Sa sobrang laki ng box office income nila ngayon, hindi kataka-taka kung agad din

-DINDO M. BALARES