Ilang Kapamilya, masaya para kay Rayver

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY nakita kaming picture ng pictorial nina Kris Bernal at Thea Tolentino para sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Mag-asawa, Magkaribal. Kasama ng dalawa sa picture si Rayver Cruz, na leading man ng dalawang Kapuso actress sa nasabing serye.

Rayver copy

Controversial ang tema ng Mag-asawa, Magkaribal at madrama ito, kaya mapapasabak kaagad si Rayver sa heavy drama scene sa first project niya sa Kapuso Network.

Kung ang nasabing soap ang ipapalit sa The Stepdaughters, dapat ay magte-taping na si Rayver, o baka nakapag-taping na siya.

Samantala, napansin lang namin na kabilang sa mga nagbigay ng best wishes kay Rayver nang lumipat siya sa GMA Network at nagpa-co-manage sa GMA Artist Center ay ang mga dating niyang kasamahan sa Star Magic at ABS-CBN.

Nabasa namin ang mga pangalan nina Jake Cuenca, Gerald Anderson, Pooh, Marco Gumabao, Enchong Dee, at iba pa. Hindi mababago ang katotohanan na mga kaibigan ni Rayver ang mga nabanggit, kahit pa hindi na siya Kapamilya.

-Nitz Miralles