Donny, type ni Kisses dahil magaganda ang sapatos

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MUKHANG makalalamang si Donny Pangilinan bilang love team ni Kisses Delavin kaysa kay Tony Labrusca, na manaka-nakang nakakasama ng dalagita.

Kisses Delavin and Donny Pangilinan copy

Sina Donny at Kisses kasi ang partner sa bagong teleseryeng The Playhouse, na mapapanood na simula sa Setyembre 17, Lunes, kapalit ng Sana Dalawa Ang Puso.

Alam naman ng lahat na matagalan ang tapings kapag teleserye, na inaabot ng ilang oras at kung minsan ay araw-araw pa, kaya hindi malayong magkadebelopan ang dalawa, maski na sinasabi nila parehong in-love sila sa work. Lalo na si Donny, na bukod sa pagiging artista ay isa ring mahusay na VJ sa Myxx.

Sa nakaraang Playhouse media play day sa Dolphy Theater ay natanong sina Donny at Kisses kung permanente na ang love team nila o para lang sa serye?

“ O f course, we are hoping for as many projects as we can get. But as of now, hindi pa namin alam actually ‘yung next na mangyayari sa aming dalawa. Right now, I’m just very blessed to be with Kisses,” sabi ni Donny.

“I’m so thankful to be working with Donny,” sabi naman ni Kisses. “Like I said earlier, kasi mabait siyang tao and mabait din ang family niya. So, thankful po talaga ako kasi suwerte ang babae kapag mabait ang family and mabait ang guy, I mean sa love team, ‘di ba po?”

Dahil bago pa lang namin nakita ang dalawa kaya hindi pa namin sila masyadong nakikitaan ng chemistry, lalo na si Donny, na halatang asiwa pa. Pero nice siyang bata at gentleman, base sa obserbasyon namin.

May makikita bang kilig sa Donny-Kisses sa Playhouse?

“ N a g i n g mas close kaming dalawa, naging mas confident. Kasi noong una may awkwardness, shyness. This is the first time that we are doing a teleserye in general and together,” ani Donny.

“ S o s o b r a n g b l e s s e d ako na makasama si Kisses, kasi parang nagiging mas kumportable ako onscreen whenever I do scenes with her. And she’s easy to work with, sobrang game siya na gawin ang kahit ano para matupad ang kailangan niyang gawin.” Nanliligaw ba si Donny kay Kisses?

“Right now we are focusing on work and study. I’m in school right now,” sabi ni Donny.

“I’m in a relationship with my career and with my life. Thankful ako na isang mabuting tao ang naka-partner ko at galing sa mabuting pamilya rin,” say naman ni Kisses.

Aliw kami kasi tinanong si Kisses kung ano ang mga nagustuhan niya kay Donny, at sinabi ng dalaga na magaling na VJ si Donny at magaganda ang sapatos, kaya naman nagtawanan ang lahat.

“Halatang bata pa talaga si Kisses, kung anu-ano pa ang sinasabi,” sabi ng mga katoto.

-Reggee Bonoan