Direk Cathy, ‘di napirata ng Viva Films

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TINANGGIHAN ng box office director na si Cathy Garcia-Molina ang offer ng Viva Films pagkatapos ng kontrata niya sa Star Cinema.

cathygarciamolina copy

Inamin ito ni Direk Cathy sa live video message sa ginanap na victory party para sa buong cast ng The Hows of Us, na patuloy pa ring pinipilahan ngayon sa lahat ng sinehan.

“I am very thankful to God, to everyone who watched and everyone who supported me. I know ABS-CBN and Star Cinema are always behind me. In fact, alam n’yo ba, Inang (tawag kay Olivia Lamasan), Sir Carlo (Katigbak), I got a call from Ms. June Rufino (supervising producer ng Viva Films). Ino-offeran ako. Pagkatapos daw ng kontrata ko (Star Cinema), sa kanila na ako.”

Hindi na nagdalawang isip pa ang direktora, at kaagad niyang tinapat ang Viva executive.

“Naku hindi po kasi mapapagalitan ako. Sabi, ‘sayang ang ganda ng offer ko sa ‘yo.’ Sabi ko, ‘hindi po, mag-aalaga po ako ng mga anak ko’.”

Totoo naman talaga na gustong alagaan ni Direk Cathy ang mga anak niyang lumalaki na, kaya nga siya humingi ng indefinite vacation sa ABS-CBN at Star Cinema. Ito ang naging balidong rason kaya siya pinayagan ng mga bossing ng Kapamilya network.

Sabi pa ni Direk, “I love you so much, I love the company and promise po I will not do a project outside ABS-CBN and outside Star Cinema. My heart belongs to you.”

Kaya sa mga nagnanais makuha ang serbisyo ni Direk Cathy, wala na kayong pag-asa dahil ang puso niya ay para sa Kapamilya network lang.

Samantala, kumpirmado nang lumampas na sa P600M ang kinikita ng The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

-Reggee Bonoan