Kapitan binoga sa ulo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ibinulagta ang isang kapitan ng barangay ng hindi pa nakikilalang armado sa Maria Orosa Street corner Padre Burgos Street sa Maynila, nitong Huwebes ng hapon.Kadadalo lamang sa anti-drug seminar ni Angel Rivero, Jr., kapitan ng Barangay 330 Zone 33 sa Sta. Cruz, Maynila, nang barilin ng suspek.

PINAPUTUKAN SA ULO Dead on the spot si Angel Rivero, Jr., barangay chairman sa Sta. Cruz, Maynila, nang barilin sa ulo sa Maria Orosa Street corner Padre Burgos Street sa Maynila, kahapon. (JANSEN ROMERO)

Agad nasawi si Rivero dulot ng tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Vergel Francisco, Sangguniang Kabataan chairman sa nasabing barangay, na nagsagawa sila ng anti-drug seminar sa isang restaurant sa Padre Burgos street.

Matapos ang nasabing seminar, binaril si Rivero, na sakay sa motorsiklo patungong Manila City Hall, ng supek bandang 2:00 ng hapon, dagdag ni Francisco.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.