Endorsements ni Kris, patuloy na dumadagsa

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ENJOY si Kris Aquino, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa wellness vacation nila sa ibang bansa, dahil hindi na naman siya aktibo sa social media. Ang huling post niya ay nitong Setyembre 10 pa, na pambihira na kung ikukumpara rati na halos minu-minuto at araw-araw siyang may update.

Kris copy

Nakabuti ang wellness vacation na ito ni Kris dahil balita namin ay maganda ang pakiramdam niya ngayon, at sa isang sossy residential hotel siya naka-check in, na siyempre hindi puwedeng ilagay kung saan dahil baka may uninvited guest na namang umakyat sa kuwarto niya katulad nang nangyari noong nakaraang taon.

Bagamat tahimik si Kris sa social media accounts niya ay tuloy pa rin ang kanyang business, dahil abala ang KCAP staff niya sa napakaraming inquiries na gusto siyang kuning brand partner.

Yes, Ateng Jet, may super big news siya pagbalik na bagong development sa KCAP.

At heto pa, simula nang isama niya sa video post niya ang ineendorso niyang Snail White Whipp Soap ay lumakas kaagad ang demand sa nasabing produkto. May nakagamit na pala nito noon pa, at talagang maganda nga raw ito sa skin, na mabibili exclusive sa Watson’s at sa Lazada online.

At ang isa pang magandang balita, madadagdagan pa ang fast food chain outlets ni Kris na Potato Corner/Nacho Bimby, dahil sobrang lakas ng demand nito.

-Reggee Bonoan