CEU, kumabig sa WNCAA

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

NAKISALO ang San Beda College Alabang sa seven-time defending seniors champion Centro Escolar University sa pamumuno habang ang kanilang juniors squad ay katabla din ng 2-time titlist Chiang Kai Shek College pagkaraan ng dalawang linggong aksiyon sa 49th WNCAA basketball tournament.

Ginapi ng SBCA ang Assumption College, 73-39, habang pinasadsad naman ng CEU ang St. Scholastica’s College, 110-4, para sa kani-kanilang ikalawang panalo.

Sa Junior A, kapwa din may tig-dalawang panalo ang SBCA at CKSC matapos manaig kontra Poveda (38-33) at season host St. Paul College Pasig (105-40), ayon sa pagkakasunod.

Wala pa ring talo ang sister schools De La Salle Zobel at La Salle College Antipolo matapos ang dalawang laro sa Junior B.

Sa midgets division, sinimulan ng defending champion Miriam ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 59-44 panalo kontra DLSZ.

Samantala sa volleyball na ginaganap sa Rizal Memorial Coliseum, nakamit ng 2-time defending seniors champion SBCA ang ikalawang sunod nilang panalo matapos talunin ang Assumption, 25-17, 20-25, 25-19, 25-21.

Pumatas naman sa kanila sa liderato ang Philippine Women’s University makaraang dominahin ang University of Asia & the Pacific, 25-18, 25-13, 25-7.

-Marivic Awitan