Boy Abunda, proud sa narating ni Erik

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGING panauhin ni Kuya Boy Abunda ang singer at It’s Showtime hurado na si Erik Santos sa Tonight with Boy Abunda kamakailan.

Boy copy

Sa nasabing interview, nagpasalamat si Erik sa King of Talk dahil sa tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya noong aspiring singer pa lang siya. Matatandaang si Kuya Boy ang dating manager ni Erik.

“You are the very first person who believed in me,” sinabi ni Erik sa TV host.

Binalikan din ni Kuya Boy ang unang beses na nag-audition si Erik sa kanya, at ikinuwento na sa loob ng kotse niya nag-audition ang singer.

Binanggit din ni Kuya Boy kung ano ang partikular na hinahangaan niya kay Erik.

“Sobra ang paggalang mo sa craft mo. Pangalawa, marunong ka lumaban,” ani Kuya Boy.

Inulit din ng TV host ang lagi niyang paalala kay Erik.

“Erik, you always have to seize the moment. Every time you perform on stage, seize the moment, be excellent, do your best, because tomorrow is never promised.”

-Ador V. Saluta