Paolo Ballesteros, matagal na palang gown designer

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DESIGN pala ni Paolo Ballesteros ang Filipiniana gown na suot ni Agatha Romero, isa sa candidate ng 2018 Mutya ng Pilipinas.

Paolo copy

Ipinost ni Paolo sa Instagram ang video ng pagrampa ni Agatha (candidate number 23) sa National Costume competition, habang suot ang gown na gawa ni Paolo.

“Yehey! Eto na! Kulang lang ng L sa last name ko hehe. Very good @agatharomero,” excited na post ni Paolo.

Marami ang nag-congratulate kay Paolo sa ganda ng design niya, at sa rami ng kanyang talent. Alam naman ng lahat na mahusay na make-up artist ang Eat Bulaga host. Magaling ding painter si Paolo, na apo kasi ni Fernando Amorsolo.

Kasabay nito, may inamin din si Paolo tungkol sa pagde-design niya ng gown.

“I have designed gowns and Filipinianas for pageants before, pero secret lang. Hehe. Ngayon hindi na secret,” dagdag na post ni Paolo.

-Nitz Miralles