Paano tumagal sa music industry, gaya ni Erik Santos?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PUSPUSAN na ang paghahanda ni Erik Santos para sa kanyang My Greatest Moments concert sa September 22. Isa itong selebrasyon at pasasalamat sa patuloy na pamamayagpag ni Erik bilang singer sa nakalipas na fifteen years.

Erik

My Greatest Moments says it all. Ayon kay Erik, na isa sa mga mapagkakatiwalaang hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime, isasalaysay niya ang mga highlights ng kanyang singing career through music.

Kauna-unahang Grand Champion sa Star in a Million ng ABS-CBN noong 2003, pinasikat ni Erik ang mga awiting Kulang Ako Kung Wala Ka at ‘Di Ko Kaya.

Singers come and go, at may payo si Erik sa mga aspiring singers.

“Tiyaga at pagmamahal sa trabaho. Never take things for granted. Huwag sayangin ang talinong ibinigay ng Diyos. At laging magpasalamat sa blessings na dumarating.”

-Remy Umerez