NU cagers, kampeon sa IBF Mixed 3×3

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NAKAMIT ng Team Philippines, kinatawan ng National University, ang inaugural championship ng Under-18 Mixed 3×3 tournament ng International Basketball Federation (IBF) Youth Leadership Cup.

Ginapi ng Pinoy cagers ang Singapore, Papua New Guinea, at Qatar.

Umupak para sa PH team sina Lady Bulldog Noemie Ayenga, Bullpups Dom Dayrit and Kevin Quiambao, kasama si Bacolod talent Kent Jane Pastrana sa torneo na ginanap sa Bali, Indonesia.

Ang IBF Youth Leadership ay isang programa gamit ang basketball upang maisulong ang pagtulong sa mga komunidad at mga kabataan na hindi na nakakapag-aral.

Ang U18 Mixed 3×3 tournament ang sentro ng programa.