Kapitan, timbog sa armas

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

MABINI, Batangas – Nasa kustodiya ngayon ng awtoridad ang isang barangay chairman nang mahulihan umano ng armas matapos salakayin ang bahay nito sa Mabini, Batangas, kamakailan.

Kinilala ang suspek na si William Magsino, 43, barangay chairman ng Pulang Lupa sa nasabing bayan.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sinalakay ng mga operatiba ng Mabini Police ang bahay ng suspek upang ihain ang isang search warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court, San Pablo City.

Nakumpiska sa pagsalakay ang isang M16 cal.5.56 rifle at 21 bala nito.

-Lyka Manalo