Jessie J. ‘obsessed’ sa TNT Boys

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PINABILIB na naman ng Pinoy ang international star na si Jessie J., dahil matapos na mapahanga ni KZ Tandingan, ay pinuri naman English singer and songwriter ang TNT Boys.

Jessie copy

Sa isang video post sa Facebook, sinabi ng singer na: “I think the TNT Boys from (the) Philippines were incredible. I’m obsessed with them.”

“They’re so sweet and so talented, their ‘Bang Bang’, they did better than us,” dagdag pa niya.

Ang sinasabing Bang Bang ni Jessie ay ang performance ng TNT Boys sa Your Face Sounds Familiar.

Mayroon nang 6.6 million views ang YouTube video ng kanilang nakakatuwang number sa YFSF.

Ang TNT Boys ay binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez.

-Ador Saluta