Estudyante binoga

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KIDAPAWAN CITY – Napatay ang isang estudyante nang barilin ito ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Matalam, North Cotabato, nitong Martes ng umaga.

Dead on arrival sa Midway Hospital si MJ Mayo Balbalusa, 15, Grade-9 student, at taga-Purok 4 in Barangay Lower Malamote, Matalam, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi sa ulat ng Matalam police station, naglalakad pauwi ang biktima matapos bumili ng ulam nang harangin at pagbabarilin ng suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng bala ng caliber 45 pistol.

Naniniwala naman ang pulisya na posibleng isang kaso ito ng mistaken identity at nilinaw ng pamilya nito na hindi ito sangkot sa drug trafficking.

-Malu Cadelina Manar